Monday, December 21, 2009
Monday, December 14, 2009
Makisig Morales getting through the "awkward stage"
Nagbibinata na ang child star na si Makisig Morales. Parang kailan lang na nag-umpisa ito sa Little Big Star noong eight years old pa lang siya. Ngayon ay dose anyos na siya at bigla nga siyang tumangkad.
"Nagpa-circumcise na po kasi ako last year, kaya ako mabilis na lumaki!" natatawang sabi ni Makisig sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Three days lang po akong nagpahinga sa bahay. Hindi naman po ako natakot. Nagsabay kami ng isa kong kapatid. Nauna na ako para mabawasan yung takot niya.
"Ang feeling ko lang, parang tumangkad po ako. Pag kumakanta ako ng matataas, medyo nagka-crack na [ang boses ko]. Hindi na katulad ng dati. Nagbago talaga. Nagbo-voice lessons nga po uli ako para mahasa yung bagong quality ng boses ko.
"Sa girls, nagkakainteres din po ako, siyempre. Pero mas nagko-concentrate kasi ako sa pag-aaral. Wala pa talagang dumarating na para sabihing puwede kong ligawan."
Nasa first year high school na si Makisig at kasalukuyang naka-enroll sa Lacoleta Academy, San Mateo, Rizal.
Nakusap ng PEP si Makisig sa presscon na ibinigay ng Star Magic para sa kanilang artists kagabi, December 9.
CHARICE & RHAP. May mga nakakapunang tila nakalimutan na ni Makisig ang pagkanta. Sabi naman ng child actor, sa bahay ay lagi naman siyang nagpa-practice.
"Kung wala po akong ginagawa, pakanta-kanta kami ng mga kapatid ko," aniya. "May raket pa rin pong dumarating na kailangang kumanta, nagagamit ko pa rin."
Hindi ba siya naiinggit sa mga kapwa niya Little Big Star graduates na sina Charice Pempengco at Rhap Salazar na talagang bongga na ang mga singing career at nakikilala na sa international scene?
"Natutuwa naman po ako sa kanila. Ako naman po, nagpupunta rin ako sa U.S. para mag-perform. Minsan, kasama ko si Ate Sheryn [Regis]. Okey lang po. Masaya rin po ako para sa kanila," sabi ni Makisig.
Naungusan na raw siya nina Charice at Rhap dahil ang mga ito'y nakapag-guest na sa shows nina Ellen DeGeneres at Oprah Winfrey.
"Okey lang po yun," nakangiting sabi ni Makisig. "Sabi ko nga po, natutuwa ako sa kanila. Kung may ganun din pong magandang opportunity rin sa akin, sana dumating po. Kung wala naman, magpapatuloy pa rin po ako sa pagkanta. Sa Star Records, nakapag-record na po ako noon kasama ang isang grupo, then as part of a Christmas album. Wala pa akong solo album talaga."
AWKWARD STAGE. Naniniwala si Makisig na unti-unti niyang malalampasan ang awkward stage. Gusto raw talagang palakihin pa ng ABS-CBN si Makisig para sa pagpapatuloy ng Super Inggo.
"Kapag bumalik ako, yung medyo binata na po. Sa ngayon po kasi, nagda-dubbing ako para sa Super Inggo [anime], at bata pa rin ang projection ng boses ko doon. Tatapusin muna nila yung animation, 'tapos lalabas na po ako, binata na. Yun po ang plano. Baka 2010 o 2011 mangyari yun," aniya.
Kasama si Makisig sa bagong teleseryeng bubuksan ng ABS-CBN, ang Mahal Na Mahal Kita na tatampukan nina Roxanne Guinoo at Sid Lucero.
"Tapos na po ako sa taping, kasi mas nauna yung mga eksena ko. Ako yung gaganap na young Sid Lucero. May kapareha ako doon, yung bata rin, si Ella Cruz. Si Chito Roño po ang direktor namin. First time kong maidirek ni Direk Chito sa TV. Sa pelikula, siya ang nagdirek ng Caregiver. Sa 2010 pa raw maipapalabas ang series," sabi ni Makisig.
C/0 PEP.PH
www.makisigmorales.com \m/
Subscribe to:
Posts (Atom)